New Page 1
City Press Weekly

Ilantad ang nasa likod ng shabu laboratory sa Real, hiling ni Enverga sa PDEA
By Boots R. Gonzales
Contributor


LUCENA CITY – Hiniling ni Quezon Congressman Mark Enverga (1st District) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mas higit na pag-ibayuhin ang imbestigasyon upang makilala ang mga nasa likod ng lokal at transnasyonal na sindikato ng droga na kumikilos sa northern Quezon.
Sa pagbubukas ng kongreso nitong nakaraang Hulyo 29, mariing kinundena ni Enverga sa kanyang privilege speech ang nasa likod ng mga sindikato ng droga na tinawag niyang “ruthless” na dapat lamang na mapatawan ng pinakamataas na parusa na itinatakda ng batas.

Kinundena ng mambabatas ang drug dealing at drug manufacturing sa kaniyang distrito dahil sa ang mga ito aniya ay anay na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.
Hiniling ng mambabatas sa PDEA paigtingin ang paglaban sa droga at bantayan ang unang distrito ng Quezon lalong-lalo na aniya ang mga bayan tulad ng Real, Nakar at Infanta.

Humiling naman si Enverga sa Philippine Coast Guard na mahigpit na bantayan ang mga baybaying dagat sa northern Quezon na siyang ginagamit ng sindikato na bagsakan ng droga.

“A Drug Free Philippines should be our goal and we should take decisive action in it” ani Enverga.
Pinuri ni Enverga ang mga kagawad ng PDEA sa pamumuno ni Director Genaral Dionisio Santiago at pamunuan ng militar at pulis sa Calabarzon sa kanilang pagkatuklas ng shabu labotatory sa Barangay Maragondon Real, Quezon nitong nakaraang Hulyo 17.

Noong 2001 ay nasakote ng mga awtoridad si dating Panukulan Mayor Ronnie Mitra na aktong nagbibiyahe ng shabu ng nagkakahalaga ng mahigit P1-B sa kahabaan ng Real Highway.
 

 
 
 

 © 2008 City Press Weekly. All rights reserved