New Page 1
City Press Weekly

Taon 1 Blg. 9

June 9 - June 15 , 2008

SAMA-SAMA NATING LABANAN ANG KAHIRAPAN - RYT
By Dany Estacio & Bert Abrigo

Si Mayor Ramon Talaga Jr. sa SM City-Lucena

LUCENA CITY – HIGIT KAILANMAN, ngayon ang panahon upang magkaisa ang sambayanang Pilipino sa pakikibaka sa banta ng kahirapan na kinakaharap ng bansa.

Ang mga empleyado ng Lucena City sa kanilang pagdiriwang ng 110th Philippine Independence Day celebration



Ito ang buod ng mensahe ni Talaga sa programang ginanap sa SM City-Lucena kaugnay sa naging pagdiriwang ng 110th Philippine Independence nitong nakaraang Hunyo 12.

“Kasama ang mga opisyal ng pamahalaan, sama-sama nating labanan ang kahirapan,” ani Talaga sa isang bahagi ng kanyang talumpati sa harap ng mga empleyado at opisyal ng SM City- Lucena.

Ani Talaga, ang mga SM shopping malls sa bansa ay nagbibigay katuparan upang labanan ang kahirapan lalo’t higit sa kasalukuyang panahon na ang bansa ay nahaharap sa krisis pang-ekonomiya, sanhi ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo na mga bilihin.
Sa unang programa na ginanap sa harap ng Lucena City Hall, binigyang-diin naman ni Talaga ang kahalagahan na alalahanin ng mga Pilipino ang pagbubuwis ng buhay ng mga bayani ng lahi para sa kalayaan ng bansa.
 


  FULL STORY


Madalas na nakawan sa Quezon nakababahala
By Jason Q. Vallecer

LUCENA CITY – Balot ngayon ng pangamba ang mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon matapos na maganap ang magkakasunod na serye ng pagnanakaw sa iba’t-ibang panig ng probinsya.

Sa report ng pulisya, naganap ang unang serye ng pagnanakaw sa bayan ng Tagkawayan noong Hunyo 5.

Ayon sa ulat, isang nagngangalang Ronilo Llaneras ang nagreport sa lokal na pulisya dahil sa naganap na pagnanakaw sa bahay ng kanyang biyenan na si Liwayway Barcelona.

FULL STORY


PG-powered public transport sa Quezon isinusulong ni Talaga
By Bert Abrigo

Ang traysikel na pinatatakbo ng liquefied petroleum gas

LUCENA CITY – Pagkatapos na matagumpay na maisulong ang paggamit ng mga compact fluorescent lamp sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan ng Quezon at sa lunsod na ito ay nagpapanukala naman ngayon si Board Member Romano Talaga ng paggamit ng liquefied petroleum gas sa mga pampublikong sasakyan.

“My advocacy is to introduce clean fuel sa local level ang paggamit ng LPG as an alternative fuel in order to mitigate the global impact of climate change,” ang paliwanag ni Talaga sa panayam ng CPW.

Sa paliwanag ni Talaga, panahon na aniya upang makiisa ang lokal na transportasyon sa mga programa ng pamahalaan laban sa panganib na banta ng “global warming” at sa pagpapatupad ng “Clean Air Act”.
 

 FULL STORY

 

“Biyernes 13” sa Maharlika Highway
4 na sasakyan nagkarambola, 17 sugatan
By Jason Q. Vallecer

Babala: Maging maingat ang mga motorista sa pagmamaneho upang huwag sapitin ang katulad na aksidente sa larawan

SARIAYA, Quezon – Labing pito katao kabilang ang isang pulis ang nasugatan matapos na magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Concepcion Uno sa bayang ito noong Hunyo 13 o “Biyernes Trese”.

Sa report ng pulisya, bandang 3:30 nang madaling araw nang magkagitgitan sa highway ang isang Mitsubishi Fuzo truck at isang Shell tanker habang paparating naman ang isang Superlines Bus.

Nang makita ng driver ng bus ang dalawang trak ay agad na kinabig nito ang sasakyan kaya’t sumadsad sa isang kanal.
 

  FULL STORY


 
Quezon lawmaker hails passage of “Renewable Energy Bill”
1 patay, 1 sugatan sa road accident

Army, NPA nagsagupa sa kuta ni Ka Roger

16 na baril ng NPA nadiskubre ng militar
 
Mundo ng Panganib
Rushes Weekly
OH! Danny Boy
Police Character
Eat Your Pork There
Statement
Wow! Yahoo! Sapak
 
IT’S NOW OPEN. Matapos ang mahigit na kalahating buwan na “round-the-clock” repair ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways-Quezon 2nd Engineering District sa pamumuno ni District Engineer Celestial Flancia, ay muling nabuksan sa mga motorista ang Quianuang Bridge sa Sariaya, Quezon. PROTESTA. Nagsagawa ng protest march ang mga magsasaka mula sa Sariaya, Quezon noong Hunyo 10 kaugnay sa balak na extension ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan.
 
 
City Press Weekly - Archives

Balik-eskwelahan. Walang ibang magsusulong sa kinabukasan ng bansa kung hindi ang mga susunod na henerasyon na hinubog ng edukasyon at pagmamahal sa bayan.

 

 
 
 

Thought of the Week

Smile
When I smile, not only do I feel happy, but also I bring a ray of light into the lives of others.

 

 © 2008 City Press Weekly. All rights reserved