New Page 1
New Page 1

Congress of the Philippines
House of Representatives
Constitution Hills
Quezon City

 

Sa aking mga kababayan sa lalawigan ng Quezon,

Pagbati!

Higit kailanman ay ngayon ay pagkakataon upang maipamalas natin ang mahigpit na pagkakaisa ng sambayanang Pilipino at mga nanunungkulan sa pamahalaan sa sama-samang nating pagharap sa mga suliranin na kinakaharap ng buong bansa.

At sa layuning ito ay malaki ang gagampanang papel ng mga nasa hanay ng pamahahayag upang ang mga programa at palatuntunan ng pamahalaan ay makaabot sa mas malawak na publiko tungo sa kanilang lubos na pang-unawa sa mga tunay na kaganapan upang aktibo silang makisangkot sa layunin ng gobyerno na tuwirang harapin ang hamon ng ating kasalukuyang panahon.

Sa pagkakataong ito ay binabati ko ang mga bumubuo ng CITY PRESS Weekly sa kanilang layuning maging isang daluyan ng mga baliota at impormasyon para sa kagalingan ng buong sambayanan.

Makakaasa kayo na kaisa ninyo ako sa inyong dakilang misyon.

God bless the Filipino people.

Mabuhay ang CITY PRESS Weekly!
 


(SGD) DANILO E. SUAREZ
Congressman
3rd District
Quezon Province


 

Republic of the Philippines
Office of the City Mayor
Lucena City


 

Sa aking mga kababayan,

Pagbati!

Sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Lucena, hinihiling ko ang patuloy na pagsuporta ninyo sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panglungsod sa ilalim ng aking administrasyon.

Makakaasa kayo na mas pag-iibayuhin ko ang aking mga pagsusumikap upang maisakatuparan ang ating pangarap na pagkakaroon ng maganda, maayos, maunlad at mapayapang lungsod.

Mananatiling prayoridad ng inyong lingkod ang pagkakaloob ng serbisyong kinakailangan ng mga Lucenahin lalo na ang mga kapus-palad nating mga kababayan. Nararapat lamang na sa pag-unlad ng Lungsod ng Lucena ay kasabay ring aangat ang kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Patuloy tayong magbibigay ng gabay at suporta upang masigurong magtatagumpay ang mga mumunting mithiin ng lahat ng sektor kagaya ng kabataan, kababaihan, senior citizens, negosyo, transportasyon at iba pa.

Sa kabuuan, ang tagumpay ay makakamit lamang kung patuloy tayong maghahawak kamay upang abutin ang ating mga pangarap sa patuloy na pagkakamit ng UNLAD LUCENA.

Muli, nagpapasalamat ako sa inyong suporta at panalangin.

Patuloy sana tayong gabayan ng Panginoong Maykapal.

 

Matapat na sumasainyo,

(SGD) RAMON Y. TALAGA JR.
Mayor
Lucena City


 

Armed Forces of the Philippines
Southern Luzon Command
Camp Guillermo Nakar
Lucena City
 


GREETINGS TO CITY PRESS Weekly!

May you serves as partner of the government in bringing peace to the Filipino people.

More power!


(Sgd.) Lieutenant General RODOLFO OBANIANA
Commander
Solcom


 
Republic of the Philippines
Province of Quezon
MUNICIPALITY OF CANDELARIA

Mabuhay ang CITY PRESS Weekly!

(Sgd) FERDINAND R. MALIWANAG
Muncipal Mayor
Candelaria, Quezon


 

Republic of the Philippines
Province of Quezon
MUNICIPALITY OF SARIAYA
Office of the Municipal Mayor

 
Pagbati!

Sa bumubuo ng CITY PRESS Weekly, nawa’y ipagpatuloy ninyo ang tunay na esensiya ng malayang pamamahayag. Asahan po ninyo ang aking suporta sa inyong paghahatid ng makabuluhan at makatotohanang balita sa ating mga kababayan. 
 

Bayang Mapayapa!Bayang Masigla!Arya Sariaya! 
 

 

(SGD) ROSAURO "BOYET" V. MASILANG
Municipal Mayor
Sariaya, Quezon 

 

Department of Environment and Natural Resources
Community Environment and Natural Resources Office
Barangay Talipan
Pagbilao Quezon


Best wishes and congratulations to the publisher and staff of CITY PRESS Weekly!


(SGD) OSCAR S. FERRER
Chief
DENR-CENRO Pagbilao


Sangguniang Panglalawigan
Quezon Province
Lucena City




Congratulation to the people behind the birth of CITY PRESS Weekly!

May you all continue to burn the flame of press freedom in the interest of truth and justice.



(Sgd.) ROMANO FRANCO C. TALAGA
Board Member
Quezon Province


 
 

Sangguniang Panglunsod
Lucena City



More power to CITY PRESS Weekly!



(Sgd.) RAMIL C. TALAGA
Councilor
Lucena City

 
 
 
 

 © 2008 City Press Weekly. All rights reserved