New Page 1
City Press Weekly

Agri-zone ang atupagin

Ang Pilipinas ay bansang itinuturing na agricultural base sa Asya, subalit bakit dinaranas nito ang kakulangan ng sapat na suplay ng pagkain?

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, abot na hanggang Mindanao.

Ang Mindanao ang pangunahing pinanggagaling ng suplay ng pagkain sa bansa. At kung magpapatuloy ang ganitong senaryo, mas maraming Pinoy ang magugutom. Kung sa bagay noon ngang may sapat na suplay marami na ang nagugutom, nagyon pa kaya na kulang ang suplay?

Ang Pilipinas kung ikukumpara sa bansang Vietnam at Thailand ay may 400,000 ektaryang irrigated land, samantalang ang Pilipinas ay may 1,000.000 ektaryang pang-agrikultura. Eh bakit ang goyernong Pinas ay umaasa sa imported rice galing sa dalawang bansa?

Dahil ba na may malaking kita sa importation ng bigas?

Ang nakapagtataka, kahit na ang mga bangko ay 5 porsiyento lamang ang loan allowance nila sa agricultural business, samantalang sa commercial business katulad sa realty ay malaki ang nakalaang pera para ipautang.

Masyado kasing nakatuon ang ating gobyerno sa industrial zone na karamihan naman ay pag-aari ng mga foreign investors.

Kung merong industrial zone, dapat ang gobyerno ay mag-isip din ng agricultural zone sa bawat probinsya upang sa ganoon ay may pagkukunan ng sapat na suplay ng pagkain ang bawat lugar.

Ipagkaloob ng gobyerno ang lahat ng suporta sa agri-zone katulad nang ipinagkakaloob sa mga investors na naglalagay ng negosyo sa bansa.

Sa panahong ito, ang dapat unahin ng nasyunal at lokal na goberyno ay food supply at hindi ang fuel supply.

Alin ba ang dapat unahin, tugunan ang gutom ng tiyan o ang gutom ng makina? Ang magtanim ng nakabubuhay o magtanim ng nakamamatay?

Ang Quezon ayon sa mga naglabasang balita ay pangunahing kliyente ng pagtataniman ng jathropa at ang gobyerno ay gugugol ng P4.3 bilyon para sa panggatong ng makina na utang sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Bakit ang ganito kalaking halaga ay hindi gamiting pang-ayuda o subsidiya sa mga magsasaka?

Katulad halimbawa na i-subsidy ng gobyerno ang fertilizers, high breed palay at iba pa agricultural outputs hindi katulad ng ginagawa ng National Food Authority (NFA) na ang may subsidy ay ang presyo ng bigas para sa konsumedores na umaabot din sa bilyong piso.
I-subsidy ng gobyerno ang kailangan ng mga magsasaka sa kanilang bukirin.
Kapag sapat ang produkyon pang-agrikultura ay kusang bababa ang presyo ng mga bilihin,
Isipin na lang natin sa malalawak na lupain sa kapatagan ang makikita natin nakatanim ay jathropa at kapag nadampot ng isang paslit ang bunga nito at kinain, patay kang bata ka.
Hindi natin kinukwestyun ang aksyon na ito ng mga namumuno sa atin lalawigan dahil doon sila masaya.

Sa personal kong pananaw, hindi dapat aksayahin ang low land na pagtataniman ng jathropa. Siguro, mas mainam sa upland ang gawing jathropa zone.

 

 
 
 

 © 2008 City Press Weekly. All rights reserved